Saturday, June 20, 2009

Lets Bring This Sucker Back To Life.

Manunumbalik ako sa pagsusulat!!!!


PAGE TOP

Saturday, October 11, 2008

i'm taking this down.

i'm taking this down.


PAGE TOP

Monday, March 12, 2007

Kulang Sa Pansin - Author

subukan ko kaya magsulat. tinatamad akong magsulat. dati machaga akong magsulat ng blog. magaling kaya ako mambola pag dating sa panunulat. malawak ang ang aking english vocabulary, at may kaartehan akong magsulat. mahilig kasi ako sa euphemisms, o ang pagsasa-ayos ng isang salita o kasabihan, para mas maging ka-ayun-ayon ang kanyang dating. hay. di ko na ata talaga kaya magsulat tulad ng dati. di ko na nga maalala kung pano nag-simula ang http://ghettoengine.blogspot.com. basta, nag trip lang ata ako dun sa unang post na ginawa ko, tas tumuloy-tuloy na sha. masaya rin nung una. na-e-exercise yung utak ko. natuto ako mambola, napulido ang aking kakayahang magsulat. masaya rin, pero napansin ko na wala namang bumabasa ng mga gawa ko. sabi ng kaibikan kong copy writer, "write for the sake of writing, so what of no one reads your work?" sorry pare, attention whore kasi ako. gusto ko yung napapansin yung mga kaululan na pinag-gagagawa ko. HOLDEN CAUFIELD SYNDROME, i want to be left alone, but i want people to notice that i want to be left alone? labo no. tuloy natin.

tas natuto akong mag-bike. ayun, nabarkada, natigil ang pagiging intelektwal. masakit lang talaga sa kadahilanang mahilig ako sa mga high sensory, high adrenaline activities, mashado akong natutok sa pagba-bike. naging one dimensional ako. nawalan ako ng options. kung sa dati napakahaba ng kwentuhan twing me nag-tatanong kung ano na balita sa akin, naging pagka-iksi-iksing usapin na lang. BIKE. yun ang bago, yun yung luma. yun yung sa bukas. napansin ko na lang nitong nakaraang mga linggo, kaakibat ng isang di maiwasang pangyayari, na huminto ang buhay ko. LIFE ON PERPETUAL PAUSE. oo, nag-evolve yung skills ko sa pag-bibisikleta, pero tila nakalimutan ko na hindi lang pala dito dapat tumutok. TIME FLIES WHEN YOU'RE HAVING FUN. mananawa ka sa cliche' sa akin. isang taon mahigit na akong nag-ba-bike. isang taon ko na rin napabayaan ang mga ibang bagay sa buhay ko. ngayon-ngayon lang ulet ako natatauhan. marami pang bagay pa sa mundo na kelangan maranasan, matutunan, ikatuwa, ikalungkot, ika-inis. kinatutuwa ko at marami akong nakilala nung natambay ako sa UP kasama ang 43 bikes. marami rin akong natutunan dahil sa kanila. subalit siguro, oras na para bumalik ako sa dati. IS THIS THE BEST DECISION FOR ME? nag-e-emote lang ako siguro. subalit marami na akong napabayaan, nakalimutan, at napalampas. ALL OR NOTHING ATTITUDE. guts pare, ganun kasi ako. walang kalahati, buhos lahat. hangga't di mo nakukuha ang kagustuhan mo, di ka titigil. pero nag-peak na ata ako sa bike. pahinga muna, tutok naman muna sa iba. di naman tuluyang mawawala e. gusto ko lang siguro maging multi-faceted muli.

WHAT IS YOUR FIVE YEAR PLAN? kung beterano ka sa mga job interview, kelangan me handa kang kasagutan dito. yung praktisado, para hindi halatang nag-lolokohan lang kayo ng interviewer mo. pabirong sagot ko dito parati ay "i see myself looking back at what i wanted to do five years ago." ulul talaga ako. seryoso, wala talaga akong 5 year plan. pero kelangan na mabago ito. di na pwede yung cruising through life. sobrang petiks lang ako. HAPPY GO LUCKY. yun yung sabi nung tatay ko. mashado raw akong komportable sa situwasyon ko. para ngang walang pag-hahangad ng ika-bubuti, o ika-i-improve. CATHOLIC SCHOOL BOY AKo. na-alala ko yung parable of "the guy who left some money for his helpers." di siguro yun yung title nya, pero na-aalala ko yung istorya. nag iwan yung master ng pera sa tatlong tauhan nya. yung dalawa gumawa ng paraan para kumita yung pera, yung isa, tinago yung pera sa lupa para mabalik nya ng buo. ang tanung ko dati hanggang sa ngayon, di ba ok lang yun? anyway, I DIGRESS. tumatanda na pala ako. marami ng nagawa ang mga kaidaran ko. gamit-na-gamit ang katagang LATE BLOOMER sa akin. pero, hindi pa naman huli ang lahat. BABY FACED naman ako. di naman ako mukhang 28. JOMARI. hehehe. (ulul mo choy kung mababasa mo to.)

FORGETTING IS A FAR MORE NEUROTIC EXPERIENCE THAN REMEMBERING. minsan sa talambuhay ng isang tao, may mga karanasan shang gusto nya na lang kalimutan. siguro, may katangahan shang nagawa, pag-ibig na hindi umusbong, pagka-hiya, pagka-inis, pagka-galit. pero ang tutoo, mas mahirap limutin ang isang pangyayari kumpara sa pag-intindi na lang kung bakit nangyayari ang mga ganung bagay. masaya ang buhay, mashado lang minsan kinukumplika ng mapaglarong-pagiisip. DO NOT OVER ANALYSE EVERYTHING. mahirap nga kasi kung may konting katalinuhan ka. nagiging bobo ka sa ibang bagay. sa kalaliman ng pag-iisip minsan, hindi na natin napapansin na simple lang pala talaga yung mga prublema na hinaharap natin. sa sobrang lalim ng pag-iisip, hindi na makita yung obvious. IRONY. sa sobrang talino, nagiging bobo. IT HAPPENS.

sabi ko sa iyo tinatamad akong magsulat. wala talaga ako sa mood. para saan ba itong blog-blog na to? pang intelektwal to chaka yung mga kulang sa pansin. wala talaga ako sa mood. lalabas na lang ako ng bahay at makikipag-chismisan dun sa tindahan ni aling rose. mag yo-yosi't mag so-softdrink. di electronic ang mga tao dun.

AND FOR THE RECORD, I DON'T WANT YOU TO READ THIS. and no angry e-mails please. go fuck yourself.


PAGE TOP

Wednesday, February 21, 2007

Your Shame is Yours to Keep

ako me isa akong peve. credibility and reputation. the thing with me is i trust people so easily. what point does one have in trying to initiate, deliver, and execute an act based on shady motivations, or personal egotistical gain? wag ganun. now, i'm a very understanding person, specially when i'm not involved in the situation. but when it happens a little too close to home, ibang usapan na yan. remember this, towards others you have nothing more than the credibility and reputation that you carry. these you invest from the moment you say hello. people don't give a fuck about how you conduct your business unless they have something involved in it. ito lang ang dapat mong ingatan. ruin your credibility, and people will never believe the very truth that comes out of your mouth. ruin your reputation, and you turn paranoid with the whispers that echo when you turn your back.

to my peers, my credibility and reputation precedes the joys and laughter that i carry with me. in my jest, i may seem deviant, egomaniacal, sadistic, self-depricating, or absurd. but with those close to me, they know who i really am.

i may hear the worst from those who attack me, but all i need is one trust worthy and just friend to tell me that i did right.


PAGE TOP

Thursday, April 13, 2006

THIS BLOG IS DEAD

DEAD I TELL YOU DEAD. I HAVEN'T WRITTEN ANYTHING IN MONTHS AND I DOUBT THAT I WILL IN THE NEAR FUTURE. I'M GLAD I GOT TO PRACTICE WRITING FOR A TIME. BUT I'VE LOST THE ABILITY TO EXPRESS MYSELF. I'VE DECIDED TO SPEND MY SPARE TIME OUTDOORS RATHER THAN COOP MYSELF UP IN FRONT OF THE COMPUTER AND RANT ABOUT SHIT THAT I DIDN'T DO, OR WHAT I DON'T HAVE, OR ABOUT WHO'S TO BLAME. FUCK THE INTERNET. I'M LIVING MY LIFE RIGHT NOW.


And I hope that I never feel like telling you about it.


PAGE TOP